Sa pagtatagpo ngayong araw, Disyembre 9, 2022 sa Riyadh, Saudi Arabia nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Kais Saied ng Tunisia, tinukoy ng pangulong Tsino, na nitong ilang taong nakalipas, napagtagumpayan ng Tsina ang negatibong epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at isinagawa ang mga proyektong pangkalusugan, pampalakasan at pagsasanay sa Tunisia bilang tulong sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.
Kasama ng Tunisia, sinabi ni Xi na nakahanda ang Tsina upang patuloy na pasulungin ang kooperasyon sa kalusugan, medisina, imprastruktura’t haytek, at palawakin ang pagpapalitan sa iba’t-ibang antas.
Susuportahan din aniya ng Tsina ang pamumuhunan ng mga kompanyang Tsino sa Tunisia.
Welkam ding iluwas ng Tunisia sa Tsina ang mga produkto nito, dagdag ni Xi.
Aniya pa, suportado ng Tsina ang Tunisia sa pagpili nito ng landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan, at tinututulan ang pakikialam ng mga panlabas na puwersa sa mga suliraning panloob ng bansa.
Ipinahayag naman ni Saied na mahalaga ang katuturan ng Global Development Initiative (GDI) na iniharap ni Xi para sa pagpapataas ng kakayahan ng mga umuunlad na bansa at pagsasakatuparan ng komong pag-unlad ng iba’t-ibang bansa.
Nagpapasalamat aniya ang Tunisia sa malaking tulong ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan at paglaban ng bansa sa COVID-19.
Kasama ng Tsina, matatag at buong sikap na palalalimin ng Tunisia ang mga kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at patataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.