Unang aktibidad sa labas ng behikulo, isasagawa ng tripulante ng Shenzhou-17

2023-12-21 15:19:39  CMG
Share with:


Inanunsyo, Miyerkules, Disyembre 20, 2023 ng China Manned Space Agency (CMSA) na isasagawa ng mga taikonaut ng Shenzhou-17 spacecraft ang kanilang unang aktibidad sa labas ng behikulo sa darating na ilang araw.

 

Sa kasalukuyan, 54 na araw na silang nasa orbita, dagdag ng CMSA.

 

Anang ahensya, kabilang sa tungkulin ng mga taikonaut ng Shenzhou-17 ay pagrelyebo sa mga tripulante ng Shenzhou-16; pagmimintena sa istasyong pangkalawakan gaya ng suporta sa buhay at kalusugan, pagsusuri’t pagsubok sa spacesuit, inspeksyon sa pasilidad ng Tianzhou-6 cargo ship; at paghahanda para sa gaganaping paglalakad sa kalawakan.

 

Isinagawa rin nila ang pagsasanay sa operasyon ng robotic arm, pagsasanay sa pangkagipitang pagliligtas ng buhay, pagsasanay sa pagliligtas na medikal, at full-system pressure emergencies, ayon sa CMSA.

 

Anito pa, ang mga eksperimento sa pangkalawakang agham ay mabuting sumusulong.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio