Reusable test spacecraft, matagumpay na inilunsad ng Tsina

2023-12-15 15:26:45  CMG
Share with:


Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang kanluran ng Tsina - Sakay ng isang Long March-2F carrier rocket, matagumpay na inilunsad Huwebes, Disyembre 14, 2023 ng Tsina ang isang reusable test spacecraft.

 

Tatakbo sa orbita ang nasabing test spacecraft sa loob ng isang panahon, bago bumalik sa landing site sa loob ng bansa.

 

Isasagawa nito ang pagsisiyasat sa reusable technology at pagsubok ng agham na pangkalawakan, para ipagkaloob ang suportang teknikal sa mapayapang paggamit ng kalawakan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil