Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Biyernes, Oktubre 13, hindi nagbago ang consumer price index (CPI) ng Tsina, isang pangunahing sukat ng implasyon, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kumpara noong Agosto, tumaas ng 0.2% ang CPI ng bansa.
Samantala, ipinakikita rin ng datos na bumaba ng 2.5% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang producer price index (PPI) ng Tsina noong Setyembre.
Sinusukat ng PPI ang halaga ng bilihin mula sa pabrika.
Salin: Vera
Pulido: Ramil