Islogan, sagisag at maskot ng Ika-9 na Asian Winter Games, opisyal nang inihayag

2024-01-12 17:45:19  CMG
Share with:

Opisyal na inihayag, Enero 11, 2024, ang islogang “Dream of Winter, Love among Asia,” sagisag na “Beyond,” at mga maskot na sina “Binbin” at “Nini” ng Ika-9 na Asian Winter Games na idaraos sa taong 2025 sa Harbin, lunsod sa hilagang silangang Tsina.

 

Nilalayon ng islogang “Dream of Winter, Love among Asia” na gamitin ang Asian Winter Games bilang isang tulay sa pagpapasulong ng kooperasyon at komong pag-unlad sa buong Asya.

 

Sinabi naman ni Chen Lei, pinuno ng grupo ng paglikha ng sagisag at maskot, na ang mga sagisag at maskot ay sumasalamin sa mga likas na katangian at makataong diwa ng lungsod ng Harbin, ubod ng mga konsepto ng Asian Winter Games, pati na rin ang kultural na pamana at halaga ng host city at host country.


Salin: Xu Nuo


Pulido: Ramil