Sa pulong ng United Nations Security Council na idinaos kahapon, Enero 12, 2024, tungkol sa kasalukuyang kalagayan sa Yemen, ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations, ang lubos na pagkabahala ng panig Tsino sa lumalalang kalagayan sa Yemen, dahil sa mga air strike ng Amerika at Britanya.
Nanawagan siya sa mga may kinalamang panig na magtimpi para maiwasan ang pagsidhi pa ng tensyon, at bumalik sa tamang landas ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Red Sea at Middle East sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon.
Nitong ilang araw na nakalipas, inilunsad ng Amerika at Britanya ang mga air strike sa mga lugar sa Yemen na kontrolado ng armadong grupo ng Houthi, bilang tugon sa pag-atake ng grupong ito sa mga bapor na may kinalaman sa Israel sa Red Sea.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos