Tsina, tumututol sa sapilitang pagpapalipat ng mga sibilyan sa Gaza Strip

2024-01-13 17:49:28  CMG
Share with:

Sa kahilingan ng Algeria, idinaos kahapon, Enero 12, 2024, ng United Nations Security Council (UNSC), ang bukas na pulong tungkol sa isyu ng sapilitang pagpapalipat ng mga sibilyan sa Gaza Strip.

 

Sa pulong, tinukoy ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations, na dapat tutulan ang anumang porma ng sapilitang pagpapaalis ng mga Palestino sa Gaza Strip. Lubos na ikinababahala ng maraming bansa ang sinabi ng panig Israeli, na kusang-loob na lumipat ang mga Palestino mula sa Gaza, dagdag niya.

 

Sinabi rin ni Zhang, na dapat ipatupad ang mga resolusyon ng UNSC sa makataong saklolo sa Gaza. Nanawagan siya sa Israel na itigil ang tuluy-tuloy na pagbobomba, alisin ang mga hadlang sa paghahatid ng mga makataong materyal, at tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa, para komprehensibong makipagkoordina sa pagsasagawa ng makataong saklolo sa Gaza.

 

Dagdag ni Zhang, ang agarang tigil-putukan sa Gaza Strip ay kasalukuyang pangkagipitang isyung may pinakamalaking priyoridad, at ito rin ay pinakamalakas na pananawagan ng komunidad ng daigdig. Dapat aniyang itakwil ng mga may kinalamang bansa ang double standard, at itigil ang pagsasawalang-bahala sa katarungan, para pasulungin ang pagkakaroon ng UNSC ng komong palagay sa isyung ito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos