Xi Jinping: Tsina at Belgium, palalakasin ang relasyon at kooperasyon

2024-01-13 17:46:20  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo kahapon, Enero 12, 2024, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Alexander De Croo ng Belgium.

 

Sinabi ni Xi, na mabunga ang kooperasyon ng Tsina at Belgium sa iba’t ibang larangan, at nagdudulot ito ng mga benepisyo sa mga mamamayan ng kapwa bansa.

 

Umaasa aniya siyang patuloy na tatanggapin ng Tsina at Belgium ang pamumuhunan at pagnenegosyo ng kani-kanilang mga kompanya sa isa’t isa, at ipagkakaloob ang mainam na kapaligiran para rito.

 

Kailangang buuin ng dalawang bansa ang mga bagong larangang pangkooperasyon, palakasin ang pag-uugnayan sa iba’t ibang antas, at idaos ang mga malaking aktibidad ng pagpapalitang pangkultura, para pasulungin ang pag-uunawaan, palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan, at ibigay ang bagong lakas sa bilateral na relasyon, dagdag niya.

 

Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng European Union (EU), na isakatuparan sa taong ito ang matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang, bilang tagapangulong bansa ng EU, patitingkarin ng Belgium ang positibong papel para rito.

 

Ipinahayag naman ni De Croo ang pag-asang, walang humpay na uunlad ang relasyon ng Belgium at Tsina sa mga aspekto ng pulitika, kabuhayan, pagpapalitang tao-sa-tao, at iba pa.

 

Sinabi rin niyang sa ilalim ng kasalukuyang kalagayang pandaigdig, dapat palakasin ng EU at Tsina ang kooperasyon para pasulungin ang paglaki ng kabuhayan sa buong daigdig, harapin ang pagbabago ng klima, at buuin ang mas matatag na mundo. Magsisikap aniya ang Belgium para rito sa termino bilang tagapangulong bansa ng EU.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos