Pagpapalalim ng kooperasyon, isusulong CMG at WEF

2023-10-26 16:54:08  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Oktubre 25 (lokal na oras), 2023, sa Geneva, Switzerland nina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) at Klaus Schwab, Tagapagtatag at Executive Chairman ng World Economic Forum (WEF), ipinahayag ng presidente ng CMG, na malawak ang espasyo ng kooperasyon ng CMG at WEF.

 

Ipinahayag niya ang kasiyahan sa pagtatatag ng isang estratehikong partnership, at pagtataguyod ng mga usaping pang-ekonomiya sa pamamagitan ng magkasamang pagtataguyod ng mga porum pang-media at masusing pakikilahok sa taunang pulong ng WEF, upang itampok ang iba't-ibang tinig mula sa buong mundo at aktibong makilahok sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Sinabi naman ni Schwab na kasama ng CMG, umaasa siyang mapapalakas ang pagsasaliksik at pagsusuri tungkol sa pag-unlad ng daigdig, maisusulong ang pandaigdigang kooperasyon, at maipapa-alam ang mga oportunidad at hamong dulot ng artipisyal na intelihensya, upang mas mapalaganap ang pang-unawa at pagtitiwala, at magdagdagan ang bagong enerhiya sa pag-unlad ng ekonomiya ng mundo.

 

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang nagtungo sina Shen at Schwab sa punong tanggapan ng WEF.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio