Pagluluwas ng sasakyang de motor ng Tsina noong 2023, nanguna sa daigdig sa kauna-unahang pagkakataon

2024-01-19 16:07:20  CMG
Share with:

Isinalaysay Biyernes, Enero 19, 2024 ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina na noong 2023, may breakthrough ang industriya ng sasakyang de motor ng bansa, at kapuwa lumampas sa 30 milyon ang kabuuang bolyum ng produksyon at pagbebenta ng sasakyang de-motor sa buong taon, na naging pinakamataas sa kasaysayan.

 

Kabilang dito ang 4.91 milyong kotse na iniluwas noong 2023 at ito ay lumaki ng 57.9% kumpara noong 2022.

 

Ang Tsina, sa kauna-unahang pagkakataon, ay naging pinakamalaking tagapagluwas ng sasakyang de motor sa daigdig.

 

Samantala, tumaas ng 35.8% at 37.9% ang produksyon at pagbebenta ng sasakyang gamit ang bagong enerhiya ng bansa noong nagdaang taon, at patuloy itong nangunguna sa daigdig.

 

Tinayang aabot sa 31 milyon ang output ng sasakyang de motor ng Tsina sa 2024, at 11.5 milyong sasakyang gamit ang bagong enerhiya ang ipoprodyus naman.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil