MOFA: tuluy-tuloy at de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, dudulutin ang benepisyo para sa buong mundo

2024-01-19 16:55:08  CMG
Share with:

Ipinahayag, Enero 18, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang tuluy-tuloy at de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay magdudulot ng mas maraming benepisyo para sa buong mundo.

 


Inilabas Enero 17 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang serye ng mahahalagang datos hinggil sa takbo ng pambansang ekonomiya noong 2023.

 

Kabilang dito, ang GDP ng bansa ay lumaki ng 5.2% taon-sa-taon at higit na mas mataas ito kumpara sa itinakdang target noong nakaraang taon.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Mao, na ganap na nagpapakita ito na ang kabuhayang Tsino ay bumabangon at bumubuti, at matatag na pinapasulong ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Nagdulot din ito aniya ng mga benepisyo para sa buong daigdig: nagkaloob ng puwersang tagapagpasulong para sa kabuhayang pandaigdig; pagdadala ng katatagan para sa kabuhayang pandaigdig; pagbabahagi ng mga bagong pagkakataon sa lahat ng mga bansa sa mundo.

 

Ang tuluy-tuloy at de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino at walang humpay na pagpapasulong ng modernisasyong Tsino ay dudulutin ang mas maraming benepisyo para sa buong mundo at ibibigay nito ang mas maraming puwersang tagapagpasulong para sa pag-unlad ng buong mundo, dagdag ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil