CMG Komentaryo: Merkadong Tsino, pagkakataon para sa mga banyagang kompanya

2024-01-18 16:12:36  CMG
Share with:

Ayon sa inisyal na kalkulasyon, lampas sa 126 trilyong yuan RMB ang gross domestic product (GDP) ng Tsina noong 2023, at ito ay lumago ng 5.2% kumpara noong 2022.

 

Samantala, noong 2023, lumaki ng 5.4% ang Real GDP per capita; bumaba ng 0.4% ang surveyed urban unemployment rate; at tumaas ng 3.0% ang fixed-asset investment.

 

Ang mga indeks na gaya ng output ng mga pangunahing produktong industriyal, pamumuhunan, pag-aangkat, pagluluwas at iba pa ay mas mataas din kaysa noong 2019.

 

Ipinakikita ng nasabing mga datos na tumitibay at lumalakas ang tunguhin ng pagbangon at pagbuti ng kabuhayang Tsino.

 

Bilang malaking merkadong may pinakamalaking nakatagong lakas sa daigdig, ang mabilis na pagpapasigla ng konsumo ng Tsina ay paborable ring balita para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Bukod pa riyan, ang mga bentahe ng Tsina na gaya ng napakalaking merkado, malakas na kakayahan sa produksyon, tuluy-tuloy na pag-optimisa ng estrukturang pangkalakalan at iba pa ay hindi lamang nakakapagpasigla ng kalakalang pandaigdig at nakakapagpabuti ng pandaigdigang alokasyon ng mga sangkap, kundi nakakapagpatibay rin ng katatagan ng kadena ng industriya at suplay.

 

Dahil sa mga ito, optimistiko ang mga puhunang dayuhan sa prospek ng merkado, manupaktura at inobasyon ng Tsina, kaya pinipili nilang pag-ibayuhin ang kanilang pamumuhunan sa bansa.

 

Para sa kanila, ang merkadong Tsino ay pagkakataon, sa halip ng isang mapanganib na pagpili.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio