Oral history report tungkol sa isang teroristikong pag-atake sa Xinjiang, inilabas

2024-01-20 17:56:06  CMG
Share with:

 

Sa kauna-unahang okasyon, inilabas Enero 18, 2024, ng Tsina ang isang ulat ng pag-aaral batay sa face-to-face na panayam sa mga saksi ng isang teroristikong pag-atake sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang.

 

May pamagat na "Victims and Survivors of Terrorism in China: An Oral History," ang 52 pahinang ulat na ito ay ginawa ng Institute for Communication and Borderland Governance ng Jinan University sa lalawigang Guangdong ng Tsina.

 

Batay sa salaysay ng limang biktima at nakaligtas, muling ipinakikita ng ulat ang kalagayan ng teroristikong pag-atake na naganap noong Pebrero 28, 2012, sa Yecheng, Kashgar Prefecture sa timog Xinjiang.

 

Sa insidenteng ito, pinatay ng 9 na terorista ang 13 inosenteng tao, at sinugatan ang 16 na iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos