Niyanig Martes, Enero 23, 2024 ang Wushi County sa Prepekturang Aksu ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, hilagang kanluran ng Tsina, ng magnitude 7.1 na lindol, at di bababa sa 3 katao ang sugatan.
Pinasimulan ng Ministry of Emergency Management ng Tsina ang level-3 emergency response, at ipinadala ang mga grupong tagapagligtas sa nilindol na lugar.
Samantala, ang mga saklolong kinabibilangan ng 1,000 tolda, 5,000 kasuotan para sa taglamig, 5,000 cotton quilt, 5,000 cotton mattress, 5,000 rollaway bed, at 1,000 heating stove ang ibinigay sa mga awtoridad na lokal, para tulungan ang mga apektadong mamamayan.
Kasunod nito, naganap din ang mga aftershock na umabot sa 5.3 magnitude, ayon sa China Earthquake Networks Center (CENC).
May bahagyang-lakas na pagyanig sa ilang lunsod at prepektura sa Xinjiang na gaya ng Urumqi, Hotan at Kashgar.
Salin: Vera
Pulido: Ramil