Kooperasyon laban sa terorismo at pandaigdigang pamamahala laban sa terorismo, patuloy na isusulong ng Tsina

2024-01-24 16:13:21  CMG
Share with:

Inilabas, Enero 23, 2024 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Sistema ng Batas at Praktika ng Tsina Laban sa Terorismo." 


Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy na makikipagtulungan sa lahat ng bansa ang Tsina, aktibong makikilahok sa pandaigdigang pamamahala laban sa terorismo, alinsunod sa pantay at may paggalang na pundasyon, upang malawakang pag-aralan ang karanasan ng isa’t-isa, maitaguyod ang malusog na pag-unlad ng pandaigdigang gawain laban sa terorismo, at mapanatili ang kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig.


Tagasalin: Bai Ruiyan