Geneva, Switherland – Sa ika-4 na kabanata ng Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), Enero 23, 2024, inilahad ng panig Tsino ang landas at natamong tagumpay ng bansa sa usapin ng karapatang pantao.
Samantala, mataas na pagpapahalaga ang ibinigay rito ng mahigit 120 bansa.
Nang araw ring iyon, inilabas ng Tsina ang white paper na tinaguriang "China's Legal Framework and Measures for Counterterrorism," kung saan detalyadong nakasalaysay ang mga kilos at bisa ng paglaban ng bansa sa terorismo.
Ang terorismo ay komong kaaway ng sangkatauhan, at ang Tsina ay isa sa mga nabiktimang bansa.
Bilang pangunahing pook ng paglaban sa terorismo sa Tsina, naganap sa Xinjiang mula 1990 hanggang katapusan ng 2016 ang libu-libong marahas at teroristikong pangyayari, na ikinamatay ng maraming inosenteng sibilyan.
Kaugnay nito, napagtanto ng mga mamamayan na ang paglaban sa terorismo alinsunod sa batas ay pundamental na garantiya sa karapatang pantao.
Sa nabanggit na white paper, nilinaw ng Tsina kung ano ang terorismo, at itinayo ang patuloy-na-kinukumpletong sistemang pambatas laban sa suliraning ito.
Samantala, isinasagawa ng ilang bansang kanluranin ang double standard sa isyu ng paglaban sa terorismo, at nakikialam sa mga usaping panloob ng Tsina, sa katuwiran ng umano’y “rule of law” at “karapatang pantao.”
Sa pamamagitan nito, hindi lamang sila humahadlang sa pandaigdigang kooperasyon laban sa terorismo, kundi nakakasira rin sa pandaigdigang garantiya sa karapatang pantao.
Sa nasabing Universal Periodic Review, inanunsyo ng Tsina na isasagawa ang 30 makabagong hakbangin sa paggarantiya sa karapatang pantao na may kinalaman sa pagpapabuti ng pamumuhay at biyaya ng mga mamamayan, pagpapalakas ng garantiyang pambatas sa karapatang pantao, pagpapasulong sa pandaigdigang kooperasyon sa karapatang pantao, pagsuporta sa mga gawain ng mekanismo ng UN sa karapatang pantao, at iba pa.
Ang katarungan ay nag-uugat sa puso ng mga tao.
Gaano kahalaga ang gawain ng pangangalaga sa karapatang pantao ng Tsina? Ang pagsuporta ng naturang 120 bansa ang pinakamagandang kasagutan!
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Oral history report tungkol sa isang teroristikong pag-atake sa Xinjiang, inilabas
Eksibisyon ng kontemporaryong sining ng Xinjiang: pagtatagpo ng daan at kultura
Unang sona ng malayang kalakalan sa purok-hanggahan sa hilagang kanlurang Tsina, itinayo
Plano sa pagtatatag ng Xinjiang Pilot Free Trade Zone, inilabas ng Tsina
Pag-unlad at kultura ng Xinjiang, hinahangaan ng mga dayuhang mamamahayag