Kasunduan ng mutuwal na eksemsyon sa visa, nilagdaan ng Tsina at Singapore

2024-01-26 07:01:28  CMG
Share with:

Nilagdaan, Enero 25, 2024 sa Beijing, ng Tsina at Singapore ang isang kasunduan ng mutuwal na eksemsyon sa visa.

 

Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), ang naturang kasunduan ay magkakabisa sa Pebrero 9, 2024 at magkakaloob ng 30-day mutual visa exemption para sa mga ordinaryong passport holder ng dalawang bansa.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng MOFA, na  ito ay magkakabisa sa bisperas ng Bagong Taong Tsino, Taon ng Dragon, at lubos itong magiging isang pasalubong pambagong taon para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Ibayo pa nitong pasusulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at Singapore, at higit pa nitong palalakasin ang relasyon at kooperasyong Sino-Singaporean sa iba’t-ibang larangan, dagdag ni Wang.

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil