Ministrong panlabas ng Tsina at national security advisor ng Amerika, magtatagpo sa Bangkok

2024-01-26 11:19:12  CMG
Share with:

Inanunsyo Biyernes, Enero 26, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Parnpree Bahiddha-Nukara, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, dadalaw sa bansa mula Enero 26 hanggang 29 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.

 

Samantala, sinang-ayunan ng Tsina at Amerika na idaraos sa Bangkok ang bagong round ng pagtatagpo nina Wang at National Security Advisor Jake Sullivan ng Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil