Pinagtibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang Taiwan Non-Discrimination Act, kung saan humihiling sa kalihim ng tesorarya ng Amerika na suportahan ang pagsapi ng Taiwan sa International Monetary Fund (IMF), gamit ang impluwensiya ng Amerika sa IMF.
Kaugnay nito, tinukoy Martes, Enero 16, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang umano’y act ng Amerika ay walang pakundangang nakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, at nagsasagawa ng manipulasyong pulitikal sa pamamagitan ng isyu ng Taiwan.
Inihayag ng panig Tsino ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol dito, at iniharap sa panig Amerikano ang solemnang representasyon, dagdag niya.
Saad ni Mao, walang anumang batayan, katuwiran o karapatan ang Taiwan para sumapi sa United Nations (UN) at ibang organisasyong pandaigdig na maaaring sapiin ng mga mga soberanong bansa lamang.
Inulit niyang lubusang nilutas ng resolusyong bilang 2758 ng Pangkalahatang Asambleya ng UN ang isyu ng pagkatawan sa UN ng buong Tsina na kinabibilangan ng Taiwan, sa anggulong pulitikal, pambatas at pamprosedyur, at nilinaw nitong iisa lang ang puwesto ng Tsina sa UN, at ito ang Republika ng Bayan ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Ramil