Ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, binati ng mga pangulo ng dalawang bansa

2024-01-26 11:04:36  CMG
Share with:

Mga video speech ay inilabas Huwebes, Enero 25, 2024 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, sa Beijing bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 6 na dekada, laging nangunguna ang relasyong Sino-Pranses sa mga bansang kanluranin, bagay na nakapaghatid ng biyaya sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nakapagbigay rin ng ambag sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng daigdig.

 


Diin ni Xi, dapat buong tatag na paunlarin ng kapuwa panig ang bilateral na relasyon, para harapin ang mga di-katiyakan ng daigdig sa pamamagitan ng matatag na relasyong Sino-Pranses, at gawing pagkakataon ang taon ng kultura at turismo ng dalawang bansa at Paris Olympic Games, upang palawakin ang pagpapalitan at pag-uugnayang tao-sa-tao.

 

Aniya, dapat magkasamang imungkahi ang pantay at maayos na multi-polarisasyon ng mundo at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan.

 

Ipinanawagan din niyang igiit ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na kooperasyon, palalimin ang tradisyonal na kooperasyon, samantalang galugarin ang nakatagong lakas ng kooperasyon sa mga bagong sibol na larangang gaya ng berdeng industriya, malinis na enerhiya at iba pa, at magkasamang ibahagi ang pagkakataong pangkaunlaran.

 

Isinalaysay naman ni Macron na ang 2024 ay taon ng kultura at turismo ng dalawang bansa, at itataguyod ng magkabilang panig ang makukulay na aktibidad.

 

Aniya, dapat gawing pagkakataon ang okasyong ito, upang pahigpitin ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, lalong lalo na ang mga kabataan, at ilatag ang mas matibay na pundasyon sa kinabukasan ng relasyong Sino-Pranses.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil