Nagpalitan Sabado, Enero 27, 2024 ng mga mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pranysa, kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 6 na dekada, palagiang iginigiit ng Tsina at Pransya ang independyenteng pagpiling estratehiko, at nagpupunyagi para isakatuparan ang komong kaunlaran sa pamamagitan ng koopersyong may mutuwal na kapakinabangan, pasulungin ang mutuwal na pagkatuto ng mga sibilisasyon sa pamamagitan ng pantay na pagpapalitan, at harapin ang mga hamong pandaigdig sa pamamagitan ng multilateral na koordinasyon.
Ang mabungang bilateral na relasyon ay hindi lamang nakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi gumanap din ng mahalagang papel para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig, pagpapasulong sa multi-polarisasyon ng mundo at demokratisasyon ng relasyong pandaigdig, dagdag niya.
Kasama ni Pangulong Macron, nakahanda aniya siyang gawing pagkakataon ang ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko, para ibayo pang patibayin at pasiglahin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, at gawin ang mas malaking ambag sa pagpapahigpit ng biyaya ng mga mamamayang Tsino’t Pranses, maging ng buong mundo.
Sa kanya namang mensahe, inihayag ni Macron ang pag-asang pasusulungin, kasama ni Pangulong Xi, ang pagpapalitan at pagtutulungan sa bilateral na kabuhaya’t kalakalan, tao-sa-tao, kabataan at iba pa, palalakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga isyung pandaigdig, at walang humpay na palalalimin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Pransya at Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Ramil