Isang espesyal na programa ang inilunsad Sabado, Enero 27, 2024 ng China Media Group (CMG) at BFM Business channel ng Pransya, upang ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya.
Kasali sa nasabing programa ang mga dalubhasa mula sa sirkulo ng kultura at turismo, mga think tank, at mga iskolar ng dalawang bansa, para talakayin ang hinggil sa pagpapalitan ng Tsina at Pransya, at tanawin ang malawakang kinabukasan ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa na magkasamang inilarawan ng mga lider ng bansa.
Sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na sa kasalukuyang taon, sa ilalim ng pamumuno ng mga lider ng Tsina at Pransya, isasagawa ng kapuwa panig ang malawakang pagpapalitan, at palalalimin ang kooperasyon, sa iba’t ibang larangang gaya ng pelikula at telebisyon, palakasan, edukasyon, turismo, at intangible cultural heritage.
Shen Haixiong, Presidente ng CMG
Kasabay ng paglapit ng Paris Olympics sa taong ito, mahigpit na makikipagkooperasyon ang CMG sa International Olympic Committee at Paris Organizing Committee, upang magkakasamang irekord at ikober ang makukulay na paligsahan ng Paris Olympics, dagdag ni Shen.
Magkasabay na isinahimpapawid Sabado ang nasabing programa sa CGTN French channel ng CMG at BFM Business channel sa Pransya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil