CMG Komentaryo: Ugnayang Sino-Pranses, patuloy na mangunguna sa susunod na 6 na dekada

2024-01-27 16:50:16  CMG
Share with:

Ginanap, Enero 25, 2024 sa Beijing ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, at inilabas ng mga pangulo ng dalawang bansa ang mga video speech.

 

Ang Pransya ay unang malaking bansang kanluranin na nagtatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina, una ring nagtatatag ng komprehensibo’t estratehikong partnership at nagsagawa ng estratehikong diyalogo sa Tsina.

 

Nitong nakalipas na 6 na dekada, kahit pabagu-bago ang kalagayang pandaigdig, laging nangunguna sa mga bansang kanluranin ang relasyong Sino-Pranses.

 

Sa kanyang video speech sa resepsyon, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat buong tatag na paunlarin ng Tsina’t Pransya ang bilateral na relasyon, palawakin ang pagpapalitan at pag-uugnayang tao-sa-tao, magkasamang imungkahi ang pantay at maayos na multi-polarisasyon ng mundo at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan, at igiit ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na kooperasyon.

 

Ang nasabing apat na mungkahi ay nagbigay-patnubay para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pranses sa susunod na 6 na dekada.

 

Sa ilalim ng ligalig na kalagayang pandaigdig, nagiging pahalaga nang pahalaga ang kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Sa susunod na 6 na dekada, may katuwirang patuloy na mangunguna sa mundo ang ugnayang Sino-Pranses, upang maghangad ng biyaya para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at makapagpasulong sa kaunlaran at kabutihan ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil