Mga pang-ekonomiyang sangsyon laban sa Rusya, muling pinalawig ng EU

2024-01-30 15:57:39  CMG
Share with:

Ipinahayag, Enero 29, 2024 ng Konseho ng Unyong Europeo (EU) na palalawigin ang mga pang-ekonomiyang sangsyon laban sa Rusya ng anim na buwan hanggang Hulyo 31 sa taong ito, dahil sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.

 

Ipinahayag ng Konseho ng EU na kabilang sa nasabing mga sangsyon ang limitasyon sa kalakalan, pinansya, transportasyon, mga luxury item, seaborne crude oil, ilang bangko, at media.

 

Dagdag ng Konseho ng EU, habang nagpapatuloy ang sagupaan ng Rusya at Ukraine, pananatilihin ang lahat ng sangsyong ipinataw ng EU, at posibleng isasagawa ang mas maraming hakbangin kung kinakailangan.

 

Salin: Bai Ruiyan


Pulido: Ramil