Pagtaas ng pambansang watawat, idinaos ng resumption team ng Embahada ng Tsina sa Nauru

2024-01-29 17:40:29  CMG
Share with:

Nilagdaan, Enero 24, 2024 ng Tsina at Nauru ang magkasanib na komunike hinggil sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko, at opisyal na ibinalik ng dalawang bansa ang relasyong diplomatiko sa antas ng embahador.

 


Kaugnay nito, idinaos, Enero 29 (lokal na oras) ng resumption team ng Embahada ng Tsina sa Nauru ang seremonya ng pagtaas ng pambansang watawat sa kanilang pansamantalang opisina sa bansa.


Salin: Xu Nuo


Pulido: Rhio