CMG Komentaryo: 3 komong palagay sa daigdig, muling napatunayan ng pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Nauru

2024-01-26 15:41:19  CMG
Share with:

Nitong nakalipas na dalawang araw, sunu-sunod na inihayag ng mga mamamayan ng Nauru ang pagtanggap sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko sa Tsina.

 

Ang walang pasubaling pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko sa Tsina ay independyenteng kapasiyahang diplomatiko ng Nauru, at muling napatunayan nitong ang prinsipyong isang-Tsina ay unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig.

 

Sa kasalukuyan, 183 bansa sa daigdig ay may relasyong diplomatiko sa Tsina, at sa kabilang dako, 12 lang ang natitirang bansang may umano’y “relasyong diplomatiko” sa awtoridad ng Taiwan.

 

Bukod pa riyan, ang muling pagtatatag ng Tsina at Nauru ng relasyong diplomatiko ay muling nagbigay-linaw sa ingay na may kinalaman sa resolusyong bilang 2785 ng United Nations (UN).

 


Tinukoy ng pahayag ng pamahalaan ng Nauru na ayon sa resolusyong bilang 2758 ng UN, kinikilala ang Republika ng Bayan ng Tsina bilang siyang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan sa buong Tsina, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.

 

Lubos na nagpapakita itong ang nasabing resolusyon na kumpirmado sa prinsipyong isang-Tsina ay pandaigdigang teoryang legal, at hinding hinding pinahihintulutan ang pagpipilipit at maling pagbasa nito.

 

Sa pamamagitan ng pagbalik ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Nauru, ibayo pang napagtanto ng daigdig na dumadako sa dead end ang umano’y “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Sapul nang umakyat sa poder ang Democratic Progressive Party noong 2016, magkakasunod na kumalas sa awtoridad ng Taiwan ang 10 bansa, at walang lunas ang “dollar diplomacy” ng awtoridad ng Taiwan.

 

Tinatayang gagawin ng iilang bansang may umano’y “relasyong diplomatiko” sa Taiwan ang tumpak na pagpiling angkop sa agos ng kasaysayan at sariling interes sa wakas.

 

Batay sa prinsipyong isang-Tsina, hinihintay ng Tsina ang paglikha ng bagong kabanata ng kooperasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil