Nang sagutin ang tanong hinggil sa pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina, sinabi Lunes, Enero 29, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinapasulong ng bansa ang dakilang usapin ng pagtatatag ng malakas na bansa at pag-ahon ng nasyon, sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.
Sa proseso ng pagsasakatuparan ng nasabing target, ihahatid aniya ng Tsina ang mas maraming benepisyo ng modernisasyon sa lahat ng mga mamamayan sa mas makatarungang paraan, walang patid na patataasin ang lebel ng paggarantiya sa karapatang pantao, at pasusulungin ang malaya’t komprehensibong pag-unlad ng mga indibiduwal.
Dagdag niya, kasabay ng pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng sariling usapin ng karapatang pantao, imumungkahi ng Tsina ang pantay at maayos na multi-polarisasyon ng mundo at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan.
Kasama ng komunidad ng daigdig, nakahanda ang panig Tsino na buong tatag na pasulungin at pangalagaan ang karapatang pantao, aktibong sumali sa pandaigdigang pangangasiwa sa karapatang pantao, palaganapin ang komong kahalagahan ng buong sangkatauhan, pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at magkasamang likhain ang mas magandang kinabukasan, ani Wang.
Salin: Vera
Pulido: Ramil