Kredensyal ng mga bagong embahador sa Tsina, tinanggap ni Pangulong Xi Jinping

2024-01-31 11:16:15  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing – Tinanggap Martes, Enero 30, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kredensyal ng mga bagong embahador ng 42 bansa sa Tsina.

 

Sa kanyang talumpati pagkatapos ng seremonya ng pagharap ng kredensyal, tinukoy ni Xi na pinahahalagahan ng Tsina ang pagkakaibigan sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa, at nakahandang palalimin ang pagkakaibigan, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng bilateral na relasyon, batay sa pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.

 


Umaasa aniya siyang komprehensibo’t malalimang mauunawaan ng mga diplomata ang hinggil sa Tsina, at ilalatag ang tulay para sa pagpapahigpit ng bilateral na kooperasyon at pag-uugnayan.

 

Ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang ginhawa at suporta para sa pagpapatupad ng tungkulin ng mga diplomata, dagdag niya.

 


Diin ni Xi, ngayong taon ipinagdiriwang ng bansa ang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at komprehensibong pinapasulong ng Tsina ang usapin ng pagtatatag ng malakas na bansa at pag-ahon ng nasyon tungo sa pagkakaroon ng mas magandang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.

 

Ito aniya ay nangangahulugan ng mas malawakang merkado at walang katulad na pagkakataong pangkaunlaran sa kasaysayan para sa buong mundo, at makakapagpasigla ng malaking lakas-panulak sa modernisasyon ng iba’t ibang bansa.

 

Tulad ng dati, buong sikap na ibibigay ng Tsina ang katalinuhan at planong Tsino para sa usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan; imumungkahi ang pantay at maayos na multi-polarisasyon ng mundo at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan; pasusulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan; at kabit-bisig na itatatag ang mas magandang daigdig, ani Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil