Nagtagpo, Enero 30, 2024 sa Beijing, sina Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina at Dennis Francis, Presidente ng Ika-78 Sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA).
Sinabi ni Han na bilang permanenteng miyembro ng United Nations Security Council, palagiang iginigiit ng Tsina ang tunay na multilateralismo at mahigpit na pinangangalagaan ang awtoridad at katayuan ng UN.
Tinataguyod ng Tsina ang isang pantay, maayos, multipolar na daigdig at napapabilang na globalisasyong pang-ekonomiya na nakikinabang ang lahat at hinihikayat ang lahat ng mga bansa na magtulungan para harapin ang mga hamon at makamit ang komong prosperidad, dagdag ni Han.
Sinabi ni Han na minamarkahan ng susunod na taon ang ika-80 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, kaya nakahanda ang Tsina, kasama ng UN para palakasin ang kooperasyon at makipagtulungan sa lahat ng panig para sa mas makatarungan at resonableng pandaigdigang sistema ng pamamahala sa ilalim ng patnubay ng konspeto ng pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.
Sinabi naman ni Francis na ang Tsina ay isang mahalagang kooperatibong partner ng UN at matibay na puwersa sa pangangalaga ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Inaasahan niyang magagampanan ng Tsina ang mas mahalagang papel sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon, at pagharap sa mga pandaigdigang hamon.
Salin: Siyuan Li
Pulido: Ramil