Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Miyerkules, Enero 31, 2024, umabot sa 49.2 ang purchasing managers' index (PMI) ng sektor ng manupaktura ng bansa sa Enero, at ito ay tumaas ng 0.2 kumpara noong nagdaang Disyembre.
Ang PMI ay pangunahing indeks na kumakatawan sa kondisyon ng kabuhayan.
Ang lampas sa 50 na indeks ay nagpapakita ng paglaki ng sektor ng manupaktura, at ang mas mababa naman sa 50 ay nangangahulugan ng pagliit.
Salin: Vera
Pulido: Ramil