Tsina, namumuno sa pandaigdigang sektor ng manupaktura nitong nakalipas na 14 na taong singkad

2024-01-19 16:12:05  CMG
Share with:


Ayon sa Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina Biyernes, Enero 19, 2024, sa harap ng masalimuot at pabagu-bagong kapaligirang panlabas at hamon ng multipleng elemento, matatag na umaabante ang sektor ng manupaktura ng bansa.

 

Noong nagdaang taon, lumago ng 4.6% ang kabuuang value-added industrial output kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at ito ay 1% mas mataas kaysa noong 2022.

 

Nitong nakalipas na 14 na taong singkad, nangunguna sa buong mundo ang sektor ng manupaktura ng Tsina, dagdag ng nasabing ministri.

 

Sa taong 2024, nananatiling matindi at masalimuot pa rin ang kapaligirang panloob at panlabas na kinakaharap ng pag-unlad ng ekonomiyang industriyal ng Tsina, pero dahil sa kumpletong sistemang industriyal, napakalaking merkado, kumpletong imprastruktura ng impormasyon at iba pang bentahe, hindi magbabago ang tunguhin ng pagbuti ng ekonomiyang industriyal sa mahabang panahon, ayon sa ministri.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil