Xi Jinping, bumisita sa mga mamamayan sa Tianjin sa bisperas ng Spring Festival

2024-02-02 11:24:40  CMG
Share with:

Sa bisperas ng Pestibal ng Tagsibol, tradisyonal na Bagong Taong Tsino, naglakbay-suri sa Munisipalidad ng Tianjin si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at nangumusta siya sa mga mamamayan sa nasabing hilagang lunsod.

 


Bumisita Huwebes ng umaga, Pebrero 1, 2024 si Xi sa isang nayon sa Xiqing District, para malaman ang hinggil sa pagpapanumbalik ng produksyong agrikultural sa lokalidad pagkatapos ng kalamidad ng baha noong nagdaang taon, at kinamusta ang mga apektadong mamamayan.

 


Pagkatapos nito, nagsadya siya sa isang kalyeng historikal sa kalunsuran, upang inspeksiyunin ang kalagayan ng suplay sa merkado sa panahon ng kapistahan, at pangangalaga’t paggamit ng mga kalyeng historikal at kultural.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil