CMG Komentaryo: Tangka ng Pilipinas na buuin ang alyansa sa South China Sea, tiyak na mabibigo

2024-02-03 16:18:33  CMG
Share with:

File photo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. / Xinhua


Sa panahon ng kanyang katatapos na pagdalaw sa Biyetnam, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas na nag-aalala siya sa alitan nila ng Tsina sa soberanya.

 

Samantala, pinalaki ng ilang kanluraning media ang isyu ng South China Sea at umano’y “banta ng Tsina.”

 

Sa pananaw ng kaukulang dalubhasa, nagtatangka ang Pilipinas na buuin ang alyansa laban sa Tsina sa South China Sea, sa katuwiran ng paksang panseguridad, at pag-ibayuhin ang pagpapataw ng presyur sa Tsina.

 

Pagpasok ng 2023, madalas ang mga kilos ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea. Ginagawa nito ang probokasyon sa isyung ito, samantalang tinatangkang buuin ang alyansa laban sa Tsina.

 

Nitong nakalipas na mahabang panahon, hinanap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang landas ng maayos na paghawak sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo, negosasyon, at magkasamang paggagalugad, at iginigiit nilang ang kaukulang alitan ay dapat mapayapang resolbahin, sa pamamagitan ng mapagkaibigang negosasyon ng mga bansang may direktang kaugnayan.

 

Ang mga kilos ng Pilipinas ay para sa sariling kapakanan at kapakanan ng mga bansa sa labas ng rehiyon.

 

Hindi laman itong lumalabag sa diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, kundi nakakasira rin sa komong sigasig ng mga bansa sa rehiyon.

 

Ang Huangyan Island at Ren’ai Jiao ay katutubong teritoryo ng Tsina.

 

Nitong nakalipas na maraming taon, sa harap ng paulit-ulit na probokasyon ng Pilipinas, ipinakita ng Tsina ang napakalaking pagtitimpi at pasensya.

 

Ang tangka ng Pilipinas sa pagpapalawak ng bilateral na isyu ay makakapinsala sa pangmalayuang kapakanan nito lamang.

 

Panahon na para sa Pilipinas na sariwain ang sariling patakarang diplomatiko!

 

Salin: Vera