Apat na manghihimasok sa Huangyan Island, pinaalis ng China Coast Guard

2024-01-31 12:11:05  CMG
Share with:


Sinabi sa isang pahayag ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG) na walang pahintulot na pumasok, Enero 28, 2024 ang apat na Pilipino sa Huangyan Island para sa mga ilegal na aktibidad, at binabalaan at pinaalis sila ng CCG alinsunod sa batas.

 

Ang situwasyon ay propesyonal na hinawakan, dagdag niya.

 

Ani Gan, may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Huangyan Island at nakapaligid na rehiyong pandagat, at mayroon ding mga karapatan sa soberanya at hurisdiksyon sa kaukulang rehiyong pandagat.

 

Sa mula’t mula pa’y buong tatag na tinututulan ng Tsina ang paglapastangan ng Pilipinas sa kaukulang karapatan ng Tsina, at matibay na ipagtatanggol ang soberanya at mga karapata’t kapakanang pandagat ng bansa, dagdag ni Gan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil