Pagbating pambagong-taon, ipina-abot ni Pangulong Xi sa lahat ng kasundaluhan ng PLA

2024-02-04 15:06:50  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri, Pebrero 2, 2024, sa hukbong nakabase sa munisipalidad ng Tianjin, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa ngalan ng Komite Sental ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Komisyong Militar ng CPC, ang pagbating pambagong-taon sa lahat ng kasundaluhan ng People’s Liberation Army (PLA).

 

Tinukoy ni Xi na, nitong nakaraang taon, mabuting ipinatupad ng hukbong nakabase sa Tianjin ang iba’t-ibang mga gawain, lalo na ang pagliligtas at panaklolo sa mga apektadong lugar ng baha sa Tianjin. Napakalaking ambag aniya ang ginawa nila para sa pangangalaga sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

 

Binigyan-diin niya na sa palalapit na Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino, pinakamahalagang kapistahan ng Nasyong Tsino, dapat higit pang isabalikat ng buong hukbo ang tungkulin sa pangangalaga ng seguridad ng bansa at katatagan ng lipunan, para igarantiya ang maligaya, mapayapa at ligtas na pagdiriwang ng Pestibal ng Tagsibol ng mga mamamayan sa bansa.

 

Kailangan ding isaayos ng mabuti ang buhay ng mga sundalo sa panahon ng pestibal, dagdag pa niya.


Salin: Kulas

Pulido: Ramil