Pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Britaniko, angkop sa kapakanan ng kapuwa bansa at buong daigdig — Premyer Tsino

2024-02-06 16:06:10  CMG
Share with:

Ipinadala Pebrero 5, 2024, ni Premiyer Li Qiang ng Tsina ang mensaheng pambati sa aktibidad ng pagdiriwang ng 2024 Spring Festival na tinaguriang “Icebreakers” na itinaguyod ng 48 Group Club ng Britanya.

 

Tinkoy ni Li na sa mahabang panahon, aktibong pinapasulong ng 48 Group Club ng Britanya ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Britanya, pagpapalitang kultural at tao-sa-tao, pinapasulong ang win-win na sitwasyon at mutuwal na kapakinabangan, at pinapalalim ang pagtitiwalaan sa isa’t isa.

 

Lubos na pinapatunayan ng nakaugalian na, ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Britanya ay hindi lamang angkop sa pundamental na interes ng dalawang panig, kundi nakakabuti pa sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.

 

Ani Li, inaasahan niya na ang mga personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo ng Tsina at Britanya ay pasusulungin ang espiritu ng ice-breaking at gagawa ng bagong ambag para sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, pagtataguyod ng mapagkaibigang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Britanya, at pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil