CMG Komentaryo: sa likod ng 2024 Spring Festival travel rush, ay isang masiglang Tsina

2024-02-06 16:02:40  CMG
Share with:

Sa mata ng mga mediyang dayuhan, ang Spring Festival travel rush ng Tsina ay “taunang migrasyon ng pinakamalaking populasyon sa buong daigdig.”

 


Sinimulan noong Enero 26 ang 2024 Spring Festival travel rush na tatagal hanggang Marso 5.  

 

Kaugnay nito, naniniwala ang Retuers na ang Spring Festival travel rush ay sumasalamin sa kompiyansa at kasiglahan, dala ng pagbangon ng ekonomiyang Tsino. Tinukoy din ng ilang media ng Bangladesh na ang travel rush ay simula ng inaasahang pagtaas ng konsumpsyon ng Tsina sa 2024. Hinuhulaan ng ilang tagapaganalisa na lalampas ng 50 trilyong yuan RMB ang halaga ng tingian benta ng Tsina ngayon taon, na magkakaloob ng malaking tulong sa ekonomiya ng Tsina.

 

Isa pang tampok ng 2024 Spring Festival travel rush ay ang paglalakbay sa labas ng bansa. Dahil sa patakaran ng visa-free sa pagitan ng Tsina at Singapore, Tsina at Thailand at iba pang mga bansa, nagiging mas mainit ang paglalakbay ng mga mamamayang Tsino sa ibang bansa sa panahon ng Pestibal ng Tagsibol. Naniniwala ang ilang tagapaganalisa na ito ay magandang balita para sa pandaigdigang industriya ng turismo.

 

Sa pamamagitan ng 2024 Spring Festival travel rush, maaaring makita ng mundo ang isang masiglang Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil