CMG Komentaryo: Amerika, naging mas mayaman noong 2023 dahil sa digmaan

2024-02-02 17:19:47  CMG
Share with:

Ayon sa isang ulat na ipinalabas kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, lumaki ng 16% ang halaga ng pagbebenta ng sandata ng Amerika sa labas noong taong 2023, na umabot sa 238 bilyong dolyares at gumawa ito ng bagong rekord.

 

Ipinapakita nito na naging mas mayaman ang Amerika dahil sa digmaan nitong taong 2023. Tuluy-tuloy ang alitan ng Rusya at Ukraine, at sumiklab din ang sagupaan ng Palestina at Israel. Ang naturang mga alitang panrehiyon ng buong mundo ay nagdulot ng mas masalimuot na kapaligirang pangseguridad, at dapat bumili ang maraming bansa ng sandata para palakasin ang mga suliraning panseguridad.

 

Kasabay nito, ang mga modernong kagamitan ay mayroong mas mataas na kahilingan sa yaman, kaya tumaas nang malaki ang pamantayan ng pagbebenta ng sandata.

 

Ang alitan at digmaan ay hindi lamang nagdulot ng napakalaking sakuna para sa mga mamamayan, ngunit nagdulot din ng napakaraming pera para sa mga military industrial complex ng Amerika.

 

Ayon sa ulat ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, ang daloy ng direksyon ng pagbebenta ng sandata ng Amerika noong 2023 ay pare-parehong estratehikong plano ng Amerika sa buong mundo.

 

Tulad nga ng sinabi ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa nitong sariling ulat, “ang pagbebenta at paglilipat ng sandata ay itinuturing mahalagang kagamitan ng patakarang panlabas ng Amerika.” Ang pamahalaan ng Amerika ay tagataguyod ng pagbebenta ng sandata, para walang humpay na pataasin ang impluwensiya ng Amerika sa Europa, Asya-Pasipiko, Gitnang Silangan at iba pa, at makuha ang interes na heopolitiko.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil