2024 Spring Festival Gala: Kantahan at Sayawang Xinjiang

2024-02-10 00:37:23  CMG
Share with:

 

Ngayong araw, Pebrero 9, 2024 ay bisperas ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year sa kalendaryong Tsino.

 

Alas-8:00 ngayong gabi, nagsimula ang 2024 Spring Festival Gala na hatid ng China Media Group (CMG).

 

Mapapanood sa apat na oras na taunang pagtatanghal ang awit, sayaw, dula-dulaan, salamangka, opera, akrobatika, at iba pa.

 

Ang Kantahan at Sayawang Xinjiang ay palabas mula sa Kashgar, isa sa apat na sub-venue ng 2024 Spring Festival Gala.

 

Ang Beijing ay main venue ng gala at ang 4 na sub-venue ay matatagpuan sa mga lunsod na Shenyang, Xi'an, Kashgar, at Changsha.

 

 

 

Salin/edit: Jade