Katatagan ng daigdig, itataguyod ng Tsina - Wang Yi

2024-02-18 08:26:05  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati sa sesyong pinamagatang “Tsina sa Daigdig,” Pebrero 17, 2024, sa Ika-60 Munich Security Conference (MSC), sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na kahit anumang pagbabago ang magaganap sa kalagayang pandaigdig, magiging tuluy-tuloy at matatag ang mga pangunahing patakaran ng Tsina at gaganap ito ng papel sa pagtataguyod ng katatagan.

 

Ani Wang, pabubutihin ng Tsina ang relasyon sa Amerika, Rusya, at Europa, para itaguyod ang estratehikong katatagan sa daigdig.

 

Igigiit din aniya ng Tsina ang solusyon sa maiinit na isyung pandaigdig, sa ilalim ng mga prinsipyo ng hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, pagtataguyod sa katarungan, pagtutol sa paggamit ng dahas, at paglutas sa mga pinag-uugatang problema.

 

Binigyang-diin ni Wang, na kinakatigan ng Tsina ang awtoridad at nukleong katayuan ng United Nations (UN) at namumunong papel ng UN Security Council sa mga isyung pangkapayapaan at pangkatiwasayan.

 

Masigla at malakas ang kabuhayang Tsino, at sa hinaharap, ihahatid nito ang mas maraming benepisyo sa daigdig, saad pa ni Wang.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan