Komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at EU, kailangang pag-ibayuhin – Wang Yi

2024-02-18 11:44:39  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Pebrero 17, 2024 kay Josep Borrell, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) para sa mga Suliraning Panlabas at Polisya ng Seguridad, sa sidelines ng Munich Security Conference (MSC), sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na bilang mga pangunahing puwersa ng katatagan sa daigdig, kailangang magkasamang harapin ng Tsina at EU ang mga hamong pandaigdig.

 


Dapat aniyang igiit ng kapuwa panig ang partnership ng Tsina at EU, isulong ang win-win na kooperasyon, at igalang ang nukleong interes ng isa’t-isa.

 

Iminungkahi niya sa magkabilang panig na gawin ang paghahanda para sa bagong pulong ng mga lider ng Tsina at EU, at pag-ibayuhin ang komprehensibo’t estratehikong partnership.

 


Inihayag naman ni Borrell ang kahandaan ng EU sa pagpapalakas ng pakikipagkoordina sa Tsina sa mga multilateral na usapin, at magkasamang pagharap sa pandaigdigang hamon sa klima.

 

Nagpalitan din sila ng kuru-kuro sa iba pang mga isyung gaya ng sagupaan ng Palestina at Israel, at krisis ng Ukraine.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio