Gagawing iskedule ni Wang Yi sa Munich Security Conference, Espanya at Pransya, inilahad ng tagapagsalitang Tsino

2024-02-15 16:10:54  CMG
Share with:

Mula Pebrero 16 hanggang 21, 2024, dadalo si Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, sa Ika-60 Munich Security Conference sa Alemanya, at dadalaw rin siya sa Espanya at Pransya.

 

Kaugnay nito, isinalaysay Huwebes, Pebrero 15, 2024 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Munich Security Conference ay isang taunang porum sa pandaigdigang estratehiya at patakarang panseguridad na may impluwensiyang pandaigdig, at maraming beses na ipinadala ng panig Tsino ang mga kinatawan sa mataas na antas sa nasabing porum.

 

Anang tagapagsalita, dadalo si Wang sa nasabing porum, para ilahad ang paninindigan ng panig Tsino sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at pagmumungkahi ng pantay at maayos na multi-polarisasyon ng mundo.

 

Dagdag ng tagapagsalitang Tsino, ang Espanya ay mahalagang bansa ng Unyong Europeo at komprehensibo’t estratehikong partner ng Tsina.

 

Umaasa ang panig Tsino na sa pamamagitan ng gagawing pagdalaw ni Wang Yi, ibayo pang ipapatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, patibayin ang pagtitiwalaan, pahihigpitin ang pagkakaibigan, palalawakin ang kooperasyon, at patitingkarin ang bagong nilalaman para sa komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Espanya.

 

Anang tagapagsalita, ang kasalukuyang taon ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, at ang gagawing pagdalaw ng ministrong panlabas ng Tsina sa Pransya ay unang mahalagang pagdalaw sa pagitan ng dalawang bansa sa taong ito.

 

Bukod sa mga bilateral na pagtatagpo, itataguyod ni Wang Yi, kasama ni Emmanuel Bonne, Diplomatic Adviser ng Pangulong Pranses, ang bagong round ng estratehikong diyalogo ng Tsina at Pransya.

 

Kasama ng panig Pranses, umaasa ang panig Tsino na pag-iibayuhin ang estratehikong pag-uugnayan, patitibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalawakin ang pragmatikong kooperasyon at pagpapalitang tao-sa-tao, palalakasin ang koordinasyon sa mga multilateral na paksa, at gagawin ang positibong ambag para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at progreso ng mundo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Frank