Burador ng government work report, tinalakay ng Konseho ng Estado ng Tsina

2024-02-19 11:00:09  CMG
Share with:

 

Tinalakay, Pebrero 18, 2024 sa plenaryong pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina ang panukalang government work report (GWR).

 

Kaugnay nito, sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina na dapat matugunan ang mga pagkabahala ng publiko at pakinggan ang pananaw ng iba’t-ibang panig para higit pang susugan ang nasabing ulat.

 

Kailangan din aniyang masikap na isakatuparan ng mga may kinalamang departamento ng Koseho ng Estado ang mga kapasiyahan at kaayusan ng Central Economic Work Conference (CEWC) at pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng bansa.

 

Hiniling din ni Li ang pagpapataas sa administratibong kakayahan ng bansa.

 

Ang panukalang GWR ay isusumite at tatalakayin sa sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa darating na Marso.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio