Ambag sa kapayapaan at katatagan ng mundo, magkasamang ibibigay ng Tsina’t Pransya – ministrong panlabas ng Tsina

2024-02-21 16:03:40  CMG
Share with:

Pebrero 20, 2024, Paris – Kinatagpo ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.

 


Bilang dumadalaw na opisyal, ipinahayag ni Wang ang pagbati ni Pangulong Xi Jinping kay Pangulong Macron.

 

Aniya, itinayo ng mga lider ng Tsina at Pransya ang matibay na pagtitiwalaan at matapat na pagkakaibigan, at pinamumunuan ang bilateral na estratehikong pag-unlad.

 

Ang 2024 aniya pa ay ika-60 anibersaryo ng diplomatikong relasyong Sino-Pranses, kaya mayroong ito mahalagang katuturan.

 

Kaugnay nito, kailangang samantalahin ng dalawang panig ang nasabing pagkakataon para balangkasin ang susunod na 60 taon ng naturang relasyon, dagdag niya.

 

Sinabi ni Wang, na kasama ng Pransya, nakahandang magsikap ang Tsina para palalimin ang kooperasyon tungo sa bukas na hinaharap.

 

Aniya pa, ang aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Pransya ay magdudulot ng mahalagang benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Walang tigil na pinapasulong ang dekalidad na pag-unlad at mataas na lebel na pagbubukas ng Tsina sa labas, at umaasa ang Tsina na lilikhain ng Pransya ang pantay at makatuwirang kapaligiran pangnegosyo para sa mga kompanyang Tsino sa Pransya, saad ni Wang.

 

Samantala, ipina-abot din ni Pangulong Macron ang pangungumusta kay Xi.

 

Aniya, kasabay ng pagdaraos ng estratehikong diyalogo ng Pransya at Tsina, umaasa siyang maisasakatuparan ng dalawang panig ang mahahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Aniya, sa mula’t mula pa’y, nananangan ang Pransya sa prinsipyong isang-Tsina, at sa harap ng mga pandaigdigang hamon, iginigiit ng Pransya ang independiyenteng estratehiya.

 

Nakahanda ang Pransya na palakasin ang estratehikong pakikipagkooperasyon sa Tsina tungo sa magkasamang pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng daigdig, paliwang pa ni Macron.

 

Hinggil dito, ipinahayag ni Wang, na masalimuot ang kasalukuyang pandaigdigang kalagayan, at dapat palakasin ng Tsina at Pransya ang estratehikong koordinasyon.

 

Sa kabilang dako, pinupuri aniya ng Tsina ang independiyenteng paninindigan ng Pransya.

 

Dagdag niya, nais ng Tsina na patuloy na gumanap ng konstruktibong papel ang Pransya tungo sa pagbuti ng relasyon ng Tsina at Europa.

 

Magpupunyagi rin aniya ang Tsina at Pransya para sa kapayapaan at katatagan ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio