Pebrero 17, 2024, Alemanya – Sa sidelines ng Munich Security Conference (MSC), inulit ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na mula pa noong unang panahon, ang mga isla at bahura sa South China Sea (SCS) ay bahagi ng Tsina.
Palagian din aniyang nagtitimpi ang bansa sa mga hidwaan hinggil sa SCS at iginigiit ang paglutas sa mga ito sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian.
Aniya, noong 2002, nilagdaan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) para maayos na pangalagaan ang katatagan at kapayapaan sa naturang karagatan, at sa kasalukuyan, pinabibilis ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct ng SCS (COC).
Naniniwala si Wang na may kakayahan at karunungan ang dalawang panig upang marating ang kasunduan sa COC, mabisang mapangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng SCS, maipagpatuloy ang kalayaan sa paglalayag at paglipad, at maigarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanan ng ibang mga bansa sa nasabing karagatan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio