Regular na patrolya sa karagatan ng Xiamen-Kinmen, isinasagawa ng CCG

2024-02-18 16:31:03  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Pebrero 18, 2024 ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na isinasagawa ang pagpapatrolya sa karagatan ng Xiamen-Kinmen para ipagtanggol ang buhay at ari-arian ng mga mangingisda roon.

 

Pahihigpitn ng CCG ang pagpapatrolya sa lalawigang Fujian para pangalagaan ang kaayusan ng mga operasyon sa dagat, dagdag niya.

 

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Zhu Fenglian, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, ang suporta sa aksyon ng CCG.

 

Matatandaang isinagawa ng rehiyong Taiwan, Pebrero 14 ang pagpapatalsik sa bangkang pangisda ng mainland sa karagatan ng Kinmen na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang mangingisda.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio