Xi Jinping, iniharap ang bagong round ng pagpapanibago ng mga kagamitan at "trade-in" ng mga kalakal na pangkonsumer

2024-02-24 16:51:14  CMG
Share with:

Ipinatawag kahapon, Pebrero 23, 2024, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ika-4 na pulong ng Sentral na Komisyon sa mga Suliraning Pinansyal at Ekonomiko, kung saan iniharap niya ang pagpapasulong sa bagong round ng malawakang pagpapanibago ng mga kagamitan at "trade-in" ng mga kalakal na pangkonsumer.

 

Tinukoy ni Xi, na ang pag-update ng mga produkto ay mahalagang hakbangin sa proseso ng de-kalidad na pag-unlad ng Tsina, at ang malawakang pagpapanibago ng mga kagamitan at "trade-in" ng mga kalakal na pangkonsumer ay magpapalakas ng pamumuhunan at pagkonsumo.

 

Sinabi niyang, kailangang pasulungin ang pagpapanibago at teknolohikal na transpormasyon ng iba’t ibang uri ng kagamitang pamproduksyon at panserbisyo, para dagdagan ang sulong na kakayahang produktibo.

 

Kailangan din aniyang enkorahehin ang pagsasagawa ng "trade-in" ng mga kalakal na pangkonsumer na gaya ng mga sasakyang de motor at home appliances, para ipagkaloob sa mga mamamayan ang mas maunlad at de-kalidad na mga produkto.

 

Sa prosesong ito, dapat pabutihin ang pag-re-recycle ng mga luma at ibabasurang yaman, dagdag ni Xi.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos