Inilabas ngayong araw, Pebrero 24, 2024, ng China Manned Space Agency ang mga pangalan ng mga bagong sasakyan para sa manned lunar exploration.
Ang pangalan ng manned spacecraft ay "Mengzhou," na literal na nangangahulugan ng "bapor ng pangarap," at ang tawag naman sa lunar lander ay "Lanyue" o "pagsalo ng Buwan."
Ang pagpapadala ng mga astronaut sa Buwan ay susunod na target ng paggagalugad sa kalawakan ng Tsina.
Ayon sa naturang ahensiya, ngayon ay nasa yugto ng paggawa ng manned spacecraft, lunar lander, at Long March 10 carrier rocket para sa manned lunar exploration, at maalwan ang iba't ibang gawain.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos