Xi Jinping, umaasang mapapasulong ang pagpapalitang tao-sa-tao ng mga kabataang Tsino at Amerikano

2024-02-24 17:22:32  CMG
Share with:

 

Sa okasyon ng Lantern Festival, ipinadala ngayong araw, Pebrero 24, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham at greeting card sa mga estudyante ng Muscatine High School sa state of Iowa, Amerika.

 

Iniabot ni Xi ang pagbati sa mga guro at estudyante ng naturang paaralan, at inanyayahan niya ang mas maraming kabataang Amerikano na bumisita sa Tsina para sa pagpapalitang tao-sa-tao at pag-aaral.

 

Sa ilalim ng programa para sa pagpapalitang tao-sa-tao ng mga kabataang Tsino at Amerikano na iniharap ni Xi sa kanyang pagdalaw sa Amerika noong Nobyembre, 2023, bumisita mula nagdaang Enero 24 hanggang 30 sa Tsina ang mahigit 20 estudyante ng Muscatine High School.

 

Pagkaraan ng biyaheng ito, sinulat nila ang liham kay Xi tungkol sa kanilang karanasan sa Tsina.


Editor: Liu Kai