90.6% ng global respondent, sang-ayon sa halaga ng Tsina sa daigdig - sarbey ng CGTN

2024-02-26 17:50:57  CMG
Share with:

Ayon sa pandaigdigang sarbey na ginawa kamakailan ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University ng Tsina sa pamamagitan ng New Era Institute of International Communication, 90.6% ng mga respondiyente ang sang-ayon, na ang Tsina ay isang mahalagang bansa, at ang pagpapalalim ng kooperasyong may mutuwal na benepisyo sa Tsina ay angkop sa kapakanan ng kani-kanilang bansa.

 

Ayon pa rito, ipinalalagay ng 84.5%, na may pinakamalaking impluwensiya ang Tsina sa daigdig sa aspekto ng kabuhayan, samantalang sinabi naman ng 81.9%, na dala ng Tsina ang pagkakataong pangkaunlaran.

 

Umaasa naman ang 75.6%, na mapapanatili ng kani-kanilang bansa ang mainam na relasyon sa Tsina, dagdag ng sarbey.

 

Sinabi rin ng karamihan sa mga respondiyente, na sa pagitan ng walong pangunahing bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Tsina at Amerika, nagdudulot ng pinakamalaking benepisyo sa kani-kanilang bansa ang pakikipag-ugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina.

 

Kasali sa nasabing sarbey ang mahigit 15,000 respondiyente mula sa mga maunlad na bansang gaya ng Amerika, Pransya, Hapon, Timog Korea, at  umuunlad bansang tulad ng Peru, Mexico, Thailand, Nigeria, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan